Windchimes

June 10, 2005

Isang Tagpo

Filed under: Doodles, Blabs and Rants, Published, Short Stories — didee @ 1:31 pm

Image hosted by Photobucket.com

Isang Tagpo.

Titigan.

Halos matunaw ako sa aking kinatatayuan sa tindi ng iyog mga titig. Mga matang umanoy hindi mapakali hangga’t hindi nakakakuha ng sagot sa mga tanong na bumabagabag dito.

At wala akong nagawa, at wala akong ginawa kundi ang hayaan kang titigan ako at basahin ang bawat lihim na kayang dukutin ng mga titig mo.

May mga aninong dumaraan sa harap natin, sa tabi, sa likod, ngunit walang sino man at ano man ang makakatinag sa mga mata mo na di umanoy nakadikit sa akin.

Nadama ko na lng unti-unti ang haplos mo. Haplos na tila ba isa akong babasaging dyamante sa yong mga palad. Hindi ka nagmadali at hindi ka naging marahas. Sa halip ay tila bumagal ang oras habang hawak mo’ko sa palad mo. Walang oras at walang panahon. Walang kahapon at walang bukas. Ngayon lang at ikaw at ako at ang mga haplos mo.

Ipinikit natin ang ating mga mata na tila umuusal ng dasal. Tahimik na hinihintay ang sandali na alam nating di natin kayang takasan.

At dahan-dahan, naglapat ang labi mo sa labi ko. At alam ko na kahit panakaw ang mga sandaling gaya nito, ay paulit-ulit ko itong aasamin at hihintayin.

At pagkatapos ng kaunting sandali ng panakaw na init, tayo’y naglayo ng may lihim na ngiti sa labi. Isang lihim na tanging tayo lamang ang may alam.

Titig. Haplos. Labi.

Buntung-hininga.

Hanggang sa muli na kailanganin mo uli ng isang tahimik na kakampi. Hanggang kailanganin mo muli ako.

Isang kaibigan.
Isang kakampi.
Isang puting tasa na ang tanging hangad ay ang labi mo na hihigop sa ano mang sarap na dala ko.

************
photocourtesyof:www.deviantart.com

Advertisements

2 Comments »

  1. Ganito pala ang iniisip mo habang ikaw ay nakasakay sa jeepney. Pero sa palagay ko sinulat mo ito habang ikaw ay umiinom ng kape. . .

    Sa simula, akala ko ito ay isang totoong pangyayari. Ngunit, possible naman na may katotohanan din na nakatago dito. 😉

    – dustine
    http://www.geocities.com/disruptive_camouflage–>

    Comment by Anonymous — June 15, 2005 @ 5:28 pm

  2. ate dee!!! wow, tagalog. ehehehe

    Comment by ria — September 15, 2006 @ 6:25 am


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: